Rayter

Ako si Lester, bata palang, mahilig ng magbasa at magsulat. Ang nanay ko, gaya ng nanay ni Rizal, ang nagsilbing unang nagturo ng abakada sa tulong ng maraming aklat (gaya ng Hardy Boys, akalain nyong yun ang pinapabasa sa akin) sa bahay.

Minsan, habang gumagawa ako ng assignment ko sa Writing (Prep ako noon), nasabi ko sa mama ko –

Mama, gusto ko ring gumawa ng libro ko… Ano kasi tawag dun?”

“Gusto mong maging Writer? Akala ko gusto mong maging doctor?”

Hindi ba ako pwedeng maging doctor tapos writer din?”

Sabay sulat sa papel ng mga to —

Ako si Lester. Dr. na, rayter pa.

Natawa si mama sa nakita nya, sabay kuha sa papel na hawak ko.

Paano ka magiging writer eh hindi mo pa alam kung anong tamang spelling ng writer at doctor…

Mama naman, hindi po ba ganyan ang “Dr. at rayter?” “Tsaka, yan yung nakita kong nakasulat sa bahay nila tita Lorna – Dr. tas sabi doctor ibig sabihin nun…

Natawa na lang ng tuluyan si mama.

Noong ako ay nasa grade school, maraming kwento mula sa English at Pilipino subjects namin ang nagpa-inspire sakin para sumulat. Karamihan sa mga kwento ay tungkol sa mga bidang inaalipusta ng mga kontrabida (gaya ng mga napapanuod natin sa mga soap opera mula sa panahon ng Mara Clara hanggang sa panahon nina Catherine at Isadora), naawa ako sa kanila at talaga namang napaluha sa pakikipagsapalaran nila sa buhay. Magmula noon, sinabi ko sa sarili ko na ipagpapatuloy ko ang mga laban nila.

Ipinagpatuloy ko ang pagsusulat hanggang high-school kung saan dalawang beses akong naging EIC ng school paper namin. Bago magtapos ng hi-skul, napagdecisyunan ko ng magiging manunulat ako, para nga maipagpatuloy ang pakikibaka ng mga naging inspirasyon ko nuong ako’y musmos pa lamang. Sa kasamaang palad, nagpadala ako sa kagustuhan ng aking angkan na ako’y kumuha ng isang kursong malayo sa inaambisyon ko.

Naaalala ko pa ang litanya ng aking mama nung sinabi kong gusto kong maging manunulat. (Bago graduation ng 4th year HS).

Ano naman ang mapapala mo pag naging writer ka? Hindi naman yan in-demand sa States.”

Mula sa nanay at tatay ko, sa lolo at lola ko, mga tita’t tito ko pati na rin ata aso at kapitbahay namin, kinumbinse nila akong kumuha ng kahit anong kursong related sa Health practice. (Matagal-tagal din bago ko natanggap na kailangan kong pagbigyan ang kanilang hiling dahil na rin sila ang magpapa-aral sakin, syempre maliban dun sa aso at kapitbahay namin). Kaya ayun, Pharmacy nga ang kinuha kong kurso (kahit na bobo ako sa Math at Chemistry, kahit na takot ako sa dugo at daga dati, kahit na alam kong hindi ko masydong magagamit ang hinuhubog kong talento sa pagsusulat).

Natapos ko ang kursong ipinilit sa akin at nakalimutan ko na ring magsulat. Hanggang isang araw, nadiskubre ko na may mga bagay na mahirap talagang talikuran na lang ng basta basta. Kapag naiistress ako sa trabaho, pag nalulungkot ako – naghahanap ako ng paraan para mailabas ang mga nararamdaman ko. Nag-umpisa muli akong magsulat – kahit ano lang. Yung iba, parang walang sense, pero sabi naman ng mga nakakabasa, sensible naman kahit papaano.

Dahil na rin sa internet, at makabagong pamamaraan ng pagpaparating ng mga mensahe gamit ang computer, naimbento ang tinatawag na blog sa internet. Naging avid reader ako sa mga sinusulat ng mga taong mahilig gumawa ng blog (bloggers tawag sakanila), at unti-unti akong naengganyong magsulat ulit ng sarili kong kwento. Sinabayan pa ng pagsikat ni Bob Ong na isa rin sa mga naging idolo ko sa larangan ng pagsusulat.

Kaya ngayon, ang minsang inakala kong nawala na sa akin, ay nandyan lang pala sa tabi, naghintay ng matagal para mapansin muli. Kahit hindi ako naging journalist o manunulat ng pahayagan, narealize ko na pwede pa rin namang magsulat; na pwede pa ring makapagbahagi ng mga nalalaman at sinasaluob dahil malaya naman tayong makakapagsulat ng nais natin. Masarap sa pakiramdam ang makapagsulat ng mga nasa puso at isip; at mas lalong masarap sa pakiramdam na may mga taong nagagalak kapag nakakabasa sila ng mga sinusulat ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s