Dear Anonymous

Babala: Ito ay isang nag-aaLAB na LETTER. Maaari kang mapaso ng kakornyhan nito. Gayunpaman, ito ay galing sa kaibuturan ng puso ng may artikulo.

Dear Anonymous,

Marami akong gustong sabihin sayo na hindi ko kayang sabihin ng harapan… May mga kwento ako na hindi ko kayang ikwento sayo ng personal Kaya naman dadaanin ko na lang dito.

Marami kang hindi alam sa akin. Hindi sa itinatago ko ito, o di kaya naman pinagsisinungalingan ko ang mga ito – kundi takot lang ako, at baka ibang paraan ng panghuhusga ang matamo ko.

Bago pa lang kita nakilala, may isang taong minsan ng kumupkop saking puso. She was someone I met 8 years ago. Mahigit anim na taon din kami. Akala ko, I would no means love someone else. But I was verified wrong. Akala ko kami na. Hindi ba’t inaasam ng lahat na sana, kung sino yung una nila eh siya na ring huli… na tipong our present be our tomorrow and the rest of our lives ang eksena? Ako, oo – iyon ang gusto ko.

Naisip ko, minsan minsan na nga lang ako magmahal ng ganon katindi – sa wala din lang pala mauuwi. Naalala ko pa, andami nyang binago sa akin. She was that one person who changed everything the way I have looked on how love should be. She gave me the courage to give my heart away, umasa na aalagaan niya ito gaya ng pag-alaga ko sa puso niya; at halos gabi-gabing dinadalangin na sana hindi niya ito babasagin.

Bakit ko ba sinasabi sayo to? Ewan ko. Siguro dahil duwag ako. Siguro dahil kulang ako sa lakas ng loob para sabihin sayo na natatakot ako. Sinasabi ko sayo ito dito baka sakaling may mahanap ako ng kakampi sakali mang gawin mo rin ang ginawa niya sa akin dati.

Minsan, habang tulala ako sa biyahe – naisip ko yung nabasa kong linya sa isang article. Sabi dun, “To those who have given up on love, believe when they say ‘trust life a little bit’ more…”  Ewan ko kung dapat ko bang paniwalaan iyon. Pero napagtanto ko na tama nga naman, bakit susuko agad dahil lang sa isang failed na relationship….

Ika nga ng character ni Angel Locsin na si Cess sa “Unofficially Yours” — “Hindi mo lang alam. Gustong- gusto kitang mahalin, kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Ano na lang ang matitira sa akin kapag iniwan mo ako? Kasi habang lumalaki ang pakiramdam ko na minamahal kita, lumalaki din ang takot sa puso ko. Takot na akong masaktan muli. Minsan kasi sa buhay ko, may isang taong nagsabi din ng mga sinasabi mo ngayon. Pero anong nangyari? Iniwan din niya ako. Kaya mahirap na ring magtiwala ngayon.

Pasensya na ha, ma-drama. (Laking Tanghalan kasi ako, hehehe ayan nakuha ko pang magbiro). But kidding aside, I hope this note finds its way to your heart. I want you to know that I am hoping that you are that someone who will make me realize that all the songs no matter how terrible their lyrics, suddenly make sense (ayan na, nagumpisa na akong maging corny)… that you will be that someone who will define my comprehension about love that it isn’t a bed of roses all the time… that at times, it could be irrational and self-destructive… that you will be that someone who will give me one of the many reasons to live. (Kumocorny ako lalo…) … at sana, you are thatsomeone I am not searching for but you are that someone who was there at the right place and the right time. (Kung alam mo lang, dumadagundong ang bawat pintig ng puso ko habang tinitipa ang mga ito)…

Haaaay. Pag-ibig nga naman – parang isang laro. Win some, lose some, learn some. And in this game, mahirap man sabihin, I need to be prepared to accept defeat. Most of the time kasi, that someone wins. And then again, I lose. Big time.

Kaya Anonymous, para sayo – susundin ko ang sinabi ng nanay ni Cess sa pelikulang “Unofficially Yours”…

Hindi naman talaga tayo napapagod masaktan e, dahil sa totoo lang, hindi rin naman tayo napapagod na magmahal.” .

Uulitin ko Anonymous, mahirap man magtiwala ngayon, natatakot man akong iwan muli eh susubukan kong hindi mapagod masakatan at mahalin ka. Kaya naman…

Anonymous, I’m Unofficially yours na.

Mulong out —

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s