Lab Istori

“This is about love, but it isn’t”…

Mahigit isang buwan na akong walang ipinapublish na blog. Mga ilang linggo na rin akong nagmumuni-muni at nakatambay sa harap ni Pareng Vaio, (ang laptop ko) sa tuwing wala akong ginagawa. Nag-iisip kasi ako ng magandang maisusulat, kaya nagtipa na lang ako nang nagtipa sa keyboard. Noong nakagawa ako ng isang Word Document at nang binabasa ko na, napangiwi ako.

Sa loob-loob ko, isa na naman itong kuwentong pag-ibig.

Ayan. Isang bagong blank document. Gusto ko sanang gumawa ng sequel ng “Lab Istori Para Kay B” dahil masyado na akong naprepressure sa mga nag-aabang ng kasunod nito. Pero sa halip na magsulat na naman ng walang kamatayang kwentong pag-ibig ko o ng iba pang tao, naisipan kong gumawa na lamang ng isang artikulong sumasagot sa katanungang “Bakit nga ba mahilig ang mga taong magbasa at magsulat nang tungkol sa pag-ibig?” Pero ang paunang tanong, bakit naman iniiwasan kong magsulat ng love story, samantalang halos tungkol sa pag-ibig ang pinagsususulat ko dito sa Multiply?

Hmmmm… Hindi sa sawa na akong gumawa ng blog patungkol sa “bitter-sweet-complicated” thing called LOVE. Kung nabasa na ninyo ang mga naisulat kong blogs about love, masasabi niyong “my stories”are in itself fragment fanciful”. Pero mabalik tayo sa seryosong usapan, sa totoo lang ay isa rin ako sa mga taong nahihiwagaan why love is such an overrated topic. Pare-pareho rin namang masaya, malungkot at maangas yung mga kuwento. Ang dami-daming nakakakilig at nakakalungkot na kuwento tungkol sa mga pakana ni Mr. Kupido na minsa’y nakakapagod na ring basahin, panuorin at pakinggan.

Sa Facebook, sa Friendster, sa Multiply o sa kahit anong social online network – love ang pinaka-gasgas na paksa. Halos lahat yata ng mga tao ay gustong ikuwento ang lovelife nila.

Madalas kung minsan, mahina ang 10 comments pababa kapag nagbabasa ka ng love stories. Kalimitan ay umaabot sa double digits ang bilang ng mga nagbibigay ng kanilang komento, suhestiyon pati payo meron na rin (hmmmm… may mga guilty nab a jan??). Kaya naman ako, napapangiwi, napapailing at napapaisip nalang.

Noong nakaraang linggo, I found myself looking into some old college stuff and found a quiz paper of mine in one of my Philosophy classes. “Phenomenology of Love” yung topic namin noon. Natawa ako sa mga sagot ko sa papel ko…

QUESTION: Discuss the Phenomenology of Love. (Eto ang ilan sa mga excerpts ng mga sinabi ko sa essay ko na nakasulat sa isang one whole sheet of yellow paper).

“As a person who sees romantic movies and love stories as an escape hatch from life at times, I have to admit that they give me the capacity to dream. The thing here is, even the most absurd love story could still have been based on a grain of reality so we think to ourselves, “it could happen.” and it does.”

“Another thing is the fact that those hearts that are struggling to keep it together try to find a slice of hope and impression of answers in other people’s stories. We read love stories thinking that, if the situation is somewhat similar, we could apply the same tactics and perhaps come out as successful. I personally read these things so that my heart can somewhat find a friend in each article in the author’s words knowing that i am not alone in this fight after all.”

– Natatawa ako habang binabasa ang mga ito. Ang cheesy ko na pala noon pa. (18 out of 20 ang score ng papel ko). Hindi ko alam kung ano ang hindi nagustuhan ng teacher ko sa mga sinabi ko doon at kulang ng 2 points para perfect iyong score. Pero ayos lang, di naman talaga maquaquantify ng kahit anong score ang laman ng isip at puso ko. Hahahahah!

Sabi pa nga ng seatmate ko ng mabasa ang mga sagot ko – “Lester, ang O.A ng essay mo!!!”

O.A. Oo. Ano ba naman kasi ang meron ang pag-ibig at tila lahat ay nabibighani nito?. Halos lahat ng tao ay nais na maranasan ang matinding kaligayan (o kalungkutan) na naidudulot nito. Hindi na baleng ang isang kuwento ay tungkol sa isang masalimuot na paghihiwalay, o tungkol sa isang masayang katapusan, basta ang importante sa nakararami, saklaw pa rin ito ng pag-ibig. Pag-ibig, pag-ibig, pag-ibig Kaya nga ata dumarami ang mga Pilipino eh. Wahehehehe…

Ang paghahanap ng kasagutan sa umiikot na tanong sa artikulong ito ay mahirap sagutin. It seems that — “the answer to this question is as mysterious as love itself, I suppose.” Kung ang isang taong in-love, kalimitan ay hindi alam kung bakit siya nagmamahal, iyon pa kayang simpleng tanong na bakit mas interesanteng paksa ang pag-ibig kaysa sa iba? Hay naku, kahit ako nalilito na sa tinatanong ko. Kanya-kanya lang sigurong trip yan.

Ikaw, bakit ka nga ba mahilig sa mga kwentong pag-ibig?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s