Failures, Feelings at French Fries

Ito ay para sa mga may bukol dahil sa lakas ng kanilang pagkabagsak…

“Not about the French fries…

Not about the Gummy bears…

Not about having a haircut…

It’s about the feelings.”

Grade conscious ako mula noong ako ay nag-aral. Epekto marahil ito ng pagiging strict nila mama pag kwentong pag-aaral na ang usapan. Kaya naman, lumaki ako na apektado kung mababa ang mga nakukuha ko sa class o sa ilang pagkakataon, bumabagsak.

May negative connotation pag sinasabihan na grade conscious ang isang tao. Pero kung iisipin, hindi naman masama ang maging grade conscious. It gets to show na as a student, we are affected by our performance. Mas unusual naman siguro kung bumabagsak ka o mababa ang mga nakukuha mo and yet, you remain impassive.

No one is spared from failure. And nothing bites us more hurtfully than failure. At madalas syempre, nakakaramdam ng frustration at sa kadalasan ulit – we see no meaning in continuing something we have started.

Hindi ko alam senyo kung ano ginagawa niyo kung nafrufrustrate kayo. Ika nga nila, may kanya-kanya tayong paraan para maibsan itong feelings of frustration na ito.

History 101:

  • Noong bata ako, pag may hindi naibigay sa atin na gusto (ie laruan o pagkain), umiiyak at nagtatantrums ako. Makalipas ang ilang oras ng pag-iyak (at pagsinghot ng tumutulong uhog), tumatahan at – okay na. Ganun kadali, parang walang nangyari.
  • Noong grade school, pag hindi kagandahan ang grades ko (lalo na sa Math), at kinagalitan ng nanay dahil nga sa medyo mababang marka – dinadaan na lang muna sa paglalaro para gumaan ang pakiramdam.
  • Noong high-school (kung saan napakataas ng level of competition), pag hindi satisfied sa mga nakuhang marka, I resort to watching feel-good movies and listen to music. Again, just to mend that frustrating feeling.

College: Sabi mahirap daw, mas challenging kesa high school. Dito daw magkakaalaman kung sino mga talagang marunong . Syempre mas nakakapressure.

Nabanggit ko na sa isang previous blog ko (Title: Bumabagsak Ka Ba? … Kaboooog Sabi!) na noong college ako, my own share din ako ng pagkalumo dahil sa mababang grades.

History 102:

  • 1st semester SY 2001-2002. Prelims: Physics – 69; Phar Cal – 69; Calculus – 69 (DAMN! Daming line of 6, at take note – first time. Sino naman di madedepress dun?)
  • 1st semester SY 2001 – 2002. Midterms: Physics – 66!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
  • 2nd semester SY 2002 – 2003. Prelim Exams: Quality Control 1 – 24/80

Nakakaiyak di ba? Para sa akin – OO!!! Ang hirap kaya nung situation.

At sa bawat pagkalugmok ko dahil sa mababang marka – I find myself eating French fries and Gummy bears, and having my hair cut! (Baka isipin niyo na ang OA ko dahil lang sa bilang na bilang na incidents na bumagsak ako – hindi niyo lang alam, maraming beses din yan. Di ko na kelangang i-enumerate lahat kasi baka mahaba yung list at baka di niyo kayanin).

In short, yung mga bagay na iyon ang naging takbuhan ko, kadamay ko. Naging comfort food ko sina French fries at Gummy bears, at relaxing activity ang pagpapahair cut sa tuwing bumabagsak ako. Nagpatuloy ito hanggang sa grumaduate ako, at sa awa ng Diyos, (at salamat sa fries, gums at haircut) pumasa naman ko sa mga nag-alangang grades at nakapagtapos on time.

Now that I am working, I still experience “failing” – hindi na nga lang sa grades kundi sa ibang aspects ng buhay. It has dawned in me that failure is an integral part of growth… of life… Itatanong niyo siguro kung dinadaan ko pa din sa pagkain ng French fries at gummy bears; at kung  sa tuwing nalulungkot eh nagpapagupit pa din ba ako…

OO.

Oo. Pinipilahan ko pa din ang French fries ng Mc Do (with mayo) at hindi nawawala sa grocery items ko sina Gummy bears. At nagpapagupit pa rin ako kay Manong barbero.

PERO, bukod doon, may napagtanto pa ako. Hindi pa naman siguro late itong realizations na ito, pero naisip ko na – “We just can’t be overwhelmed by failure and find ways to run away or hide”. Kung babalikan natin ang History 101 sa itaas, nasanay tayo na DAPAT may mga pinagkakaablahan tayong mga bagay inorder to divert our frustrations and failures. Okay naman iyon eh – ika nga sa Psychology, its healthy that we have imbibed a specific coping and/or defense mechanism.

Ang madalas na nangyayari kasi eh, nakakalimutan nating iexplore iyong feelings behind those failures. We intentionally forget the feelings behind those failures. Mahirap para sa atin na intindihin yung mga feelings na iyon. Kaya naman the next time we fail, mas nakakaramdam tayo ng mas matindi pang frustration.

So the next time you fail, acknowledge first those frustrating feelings, recognize first those feelings of failure. Bigyan mo yung sarili mo ng quality time para makapag-isip. Ipaalala sa sarili na “we are not less human kung bumabagsak tayo – grades o sa ibang aspects ng life; and perhaps ask yourself – “Bakit nga ba ako bumagsak?”; “Kakayanin ko pa kayang bumawi?” WE HAVE TO FACE ALL of these FEELINGS.

Failure 101: Things na dapat alalahanin about the feelings of failure.

That failure is something we have to accept and deal with. Failure happens to anyone. Learn how to accept and deal with it. Ang failure, para siyang isang bangungot na nakapaloob sa isang pangarap na nageexist dahil may mensahe itong dapat iparating, and a lesson to teach.

That failure is no one else’s responsibility but the person himself. May mga tao kasing “feeble-minded” – who tends to find the cause of their failure in OTHER people. Eto yung mga mahilig manisi ng iba at maghanap ng pwedeng irason kung bakit sila bumagsak just to escape criticism. So take responsibility of your own failures.

That failure wants us to be persistent and be positive. Weak minds are easily disheartened and  admit failure. (Ganito ka ba?). But a strong mind has persistence and determination to end a failure. (Dapat ganito tayo!). One more thing, napansin niyo ba na when we are plunged into the pit of failure, yung sarili nating pag-iisip at attitude start to act against us. Negative na nga yung feeling, pati thoughts nagiging negative din. Ano na lang mangyayari satin pagganito tayo? So therefore, try your best to avoid further negative thoughts and be more optimistic!

So the next time you are confronted with failures, tandaan – “it’s not about the French fries, it’s about the feelings”.

Originally posted at my multiply account 7 years ago.

One thought on “Failures, Feelings at French Fries

  1. napaisip din naman ako kung anong ginagawa ko if i have failures.
    failed relationships – iyak, kwento sa bff, travel, haircut (bakit nga ba haircut?)
    other failures – kain lang katapat
    salamat sa article na ito.. tumatakbo ang idle kong utak. hahahaha!

    Like

Leave a comment