I Miss You, Pharma Days!

Ilang taon na nga ba ang nakalipas? PITO. Tama pitong taon na.

Pitong taon na mula ng grumaduate ako.

At gusto kong isigaw ang isang malakas na – I MISSSSSSSS YOU COLLEGE PHARMA DAYS!

I miss school… (Weh, hindi nga? Eh dib a nasa school pa rin naman ako???)

Oh, man I do!!!

Kapag dumarating ako sa boarding house, madalas kong sinasabi — “ahhah… eto ang masarap ‘pag nagtatrabaho eh.. walang assignment.. wala nang major exams at surprise quizzes, wala nang terror na mga prof, wala nang pagpupuyat, wala nang school activities na stressful, wala nang pag-aalala sa grades, wala nang pag-aalala kung saan kukunin ang sunod na pang tuition, wala na..wala nang lahat”.

Pero hindi ko alam kung bakit andito ako. Nagtitipa and being reminiscent of my school days. Maybe it’s because I’ll never be able to go back to those days. To those good ‘ole days. Pwede akong pumikit at managinip but I’ll never bring back the wearisome and laborious experience of education in its truest sense.

I never cried during our graduation. I never felt regret leaving back then.

Pero ngayon, gusto kong humiga sa fire exit. Na may iniisip na madugong quiz mamyang alas-kwatro para kay Ma’m Revilla. Gusto kong magutom at ayain kahit na sino para kumain sa sa gilid ng Adenauer. Gusto kong umuwi sa Men’s Dorm at magpancit canton kasama ang mga kapwa ko Magnusians. Gusto kong tumakbo papunta sa Rommel’s (na wala na ngayon) para bumili ng log paper para sa klase namin kay Mam Caburian. Gusto kong hanapin sina Mel, Richie, Rosalyn at EJ para magfishball sa kanto ng New Lucban (kahit na nageexperiment pa sa laboratory). Gusto kong bumalik sa A104 at makita ang mga kaklase kong kinikilig pag pumapasok na sa classroom ang gwaping naming instructor sa Clin Phar na si Mr. Antonio. Gusto kong magpunta sa Student Affairs Office para i-claim ang mga classcards kong umabot na sa 11 na marking absences at makausap ang malumany na boses ni Mr. Lagleva. Gusto kong umupo sa stairs ng 4th floor Aden, tumambay sa likod ng Burgos Gym, o tumayo lang sa harap ng tech’s opis habang pinagchichismisan ang mga cheater na kaklase at suot ng mga guro namin. Gusto kong tumawa hanggang sa pagsabihan na kami ng mga technician na hinaan ang mga boses namin. Gusto ko Sabado nyt na para gimik na sa Legarda.

Gusto kong magovernight para gumawa ng thesis o mag-group study kunyari pero ang totoo eh magkukwentuhan lang at mauuwi sa “gulp session”. Gusto kong buksan ang locker sa lab at madiskubreng kulang kulang na ang mga apparatus namin. Gusto ko makita ang schedule na pinaghirapan kong ayusin para lang maging compatible sa rehearsals ko sa Tanghalang SLU at syempre para maging kaklase pa din ang mga baliw kong kaibigan (kasama na rin ang crush kong si EP). Gusto kong dumaan sa maingate bilang isang estudyante na sisitahin ni Manong Enriquez Brothers dahil di ko pa napapavalidate ang ID ko. Gusto kong magcram dahil may mga quizzes at syempre di pa ako nakareview ng mabuti. Gusto ko ulit magmemorize ng maraming scientific names sa Pcog, Generic names at Brand names sa Pcol, Hospi. Gusto ko ulit maramdaman yung kakaibang feeling pag bigayan na ng grades lalo na kung Pcol, Dispensing at Clin Phar na ang paguusapan. Gusto kong bumalik sa school. Gusto ko uli mag-aral kasama ang mga kaklase ko noon. Andami kong gustong maulit…

When I used to say na gusto ko ng magtrabaho, alam ko within reach na iyon. Pero pag sasabihin ko ngayong gusto ko mag-aral uli, ‘di na pwede. It will never be the same again. Nagmamasteral ako, at pwedeng magdoctorate, o kumuha ng bagong degree. But it will never be the same again. I’ve guess I have crossed the threshold. Grumaduate na ko. And I’ll be leaving all those great memories behind.

Kapag nasa school ka pa, you just can’t realize the loss or what you will lose. But when you’re in my shoes, parang gusto kong makakita ng isang Genie in a Bottle at ng mabigyan nya ako ng pagkakataong humiling. At isa na nga jan ay ang kagustuhan kong “sana maulit muli” ang mga araw na nasa school pa ako, but then — nothing’s happening.

Ganyan talaga. As I have said, lahat ng ‘yan kasabay lang ng agos. Minsan lang naman eh. So please forgive me for the nostalgia.

And now, it’s all part of the past. I don’t regret anything. Good or bad, school memories are simply the best. And I thank the Lord for that wonderful past. I may not be able to get back to it, but it made my life a whole lot more momentous.

Ending Thoughts: Kaya sa mga nagsasabing – “Sana graduate na ako. Ayoko ng mag-aral. Sana matapos na ako…” – Naku, wag! Enjoy every fleeting second in your college life. Sobrang saya at sarap kaya. Mahirap man eh sigurado namang worth keeping ang bawat memories. So instead of grudging about how difficult college it may seem, SAVOR EVERY MOMENT! Youll soon understand why!

Lester out —

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s