May Bisyo Ako: Isang Pag-Amin

May Bisyo Ako…

“ May bisyo ako, ngayon ko lang napagtanto.

May bisyo ako, pano ba nagumpisa eto?

May bisyo ako, nakaka-adik eto.

May bisyo ako, may mga kontra dito.

May bisyo ako, ewan ko lang kung gusto nyo.

May bisyo ako – pero hindi alak, yosi o bato.

May bisyo ako, bisyong mahal ko.

May bisyo ako, at eto ang nilalaman ng blog ko.”

Dicasalarin Cove, baler, Aurora.

Dicasalarin Cove, baler, Aurora.

https://roamulofied.wordpress.com/2015/05/18/dicasalarin-cove-aurora-ph/

Ang mundo ay isang libro, at ang mga taong hindi marunong maglakbay – isang pahina lang ang kanilang nabasa…” – iyan ang nakaukit na sipi sa utak ko.

Alas-kwatro ng hapon. SM Megamall.

“Isa akong galang guro.” Iyan ang bigla kong nasambit sa isang kaibigang matagal ko ng hindi nakikita, nito lamang nakaraang Martes ng nasa Maynila ako. Kakagaling ko lang mula sa byahe ko sa Coron, Palawan. Bago ako umuwi ng Baguio, naisipan ko munang mag-Megamall – para kumaen at tumingin ng pwedeng mabili. Nasa Goldilocks ako nun, malapit ko ng maubos ang binili kong Lumpiang Hubad ng may biglang nagsalita:

“Wow, long time no see… Kumusta ka na?”

Iginala ko ang paningin ko para hanapin kung saan galing yung boses na sumambit ng mga katagang iyon. Napatitig lang ako sa isang lalaking magara ang suot at mejo may kasosyalan ang dating. Actually, I did not recognize him, he looks familiar pero parang nagrerewind pa ang utak ko kung saang bang bahagi ng buhay ko nakilala itong taong kasalukuyang papalapit sa akin. Inabot niya ang kanan nyang kamay para makipaghand-shake sabay sambit ng pangalan ko at tila tuwang tuwa na nakita ako…

Cagbatan Island, Coron, Palawan.

Cagbatan Island, Coron, Palawan.

“Lester… Mark Lester Romulo…”

Bago pa niya mabuo ang medyo kahabaan kong pangalan, bigla ko ng naalala kung sino ang kaharap at kakamayan ko… Isa siya sa mga kaklase ko nung nasa high-school at ngayon, isa ng bigtime na empleyado (hindi nya dinisclose ang position nya pero isa daw sya sa mga Upper ups) sa isang malaking company sa Manila.

So ayun, since I was about to finish what I was eating at paalis na rin sana ako, he asked kung pwede kaming magkuwentuhan… (Akalain nyong may taong interesadong alamin kung ano na ang mga pagbabago sa buhay ko??) Since gabi pa yung kinuha kong byahe pabalik ng Baguio at ilang oras pa ang hihintayin ko bago mag-out mula sa trabaho yung kapatid ko, eh napagpasyahan kong paunlakan ang kanyang imbitasyon na magkwentuhan kami at magkape (kahit na hindi naman talaga ako nagkakape).

Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales

Nagsasa Cove, San Antonio, Zambales 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/06/01/nagsasa-cove/

Bago kami nagpunta sa isang coffeeshop, dumaan muna kami sa Parking Area para ihatid yung mga pinamili nya dahil hinihintay daw ito ng kanyang pinsan. Tinanong pa niya ako kung saan ko daw gustong magkape – syempre pa, since hindi naman talaga ako mahilig sa kape (nasabi ko na ata eto sa itaas na paragraph), sinabi ko na lang na kahit saan. As I have expected, sa isang kilalang coffeeshop na kinalolokohan ng maraming Pinoy kami nagtuloy… Alam nyo na iyun, di ko na babanggitin dito dahil hindi ko nais ipromote yung kapehan na’yun dahil masyadong mahal…

Aslom Island, Bulalacao, Oriental Mindoro.

Aslom Island, Bulalacao, Oriental Mindoro. 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/05/12/beauty-of-bulalacao-oriental-mindoro-ph/

Nagumpisa ang kwentuhan sa tanungan kung saan na si ganito – si ganyan, pinagkwentuhan ang ilan sa mga kaklase namin noon. Andami nyang kwento, noon ko lang narealize na madaldal din pala siya. Hindi kasi sya ganun nung high-school kami. Isa kasi siya sa mga taong napapanis ang laway sa classroom dahil di mo to kakakitaan na dumadaldal. Nagumpisa na rin syang magkwento tungkol sa sarili nya – mula nung college sya hanggang sa kanyang mga experiences sa pakikipagsapalaran sa trabaho at ang mabilis na pag-unlad sa kanyang buhay. From being a plain company worker to a big boss in a large firm in Manila; from someone who rents a cheap apartment into becoming an elite condo-dweller; ipinagmalaki din nya na X00,000.00 ang sweldo nya kada-buwan, at syempre pa, ang bagong bago nyang tsekot na kanina lang ay nakita kong nakaparke. (Medyo nayabangan ako sa kanya nung una pero napagtanto ko na okay lang kasi talaga namang may maipagyayabang sya, kahit na unti-unti na akong nanliliit at na-iinggit sa mga oras na iyon).  Gusto ko din kasi iyong mga na-achieve nya. Magandang tirahan, malaking sweldo, magarang kotse, magarang buhay. Pero wala pa ako ng mga iyon.

Boracay island, Malay, Aklan.

Boracay island, Malay, Aklan. 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/05/01/boracay-aklan-philippines/

Akala ko hindi na siya matatapos sa kanyang talumpati tungkol sa sarili niya ng bigla siyang magtanong. “Ikaw naman Lester, kuwento ka naman… Anong bago bukod sa medyo pagkadagdag mo ng konting laman?” Pangiti nitong sabi.

Halos pagpawisan ako sa kinauupuan ko. Hindi dahil sa mainit yung kapeng iniinom ko, kundi dahil sa nakakatakot nyang tanong. Isang lagok ko pa sa mapait na kape tsaka taas-noo kong sinabi na “ako ay isang galang guro” —  isang accidental educator (kung tawagin ng ilang propesyonal) sa isang unibersidad sa Baguio na nahuhumaling sa paglalakbay.

Skycyce Adventure, Eden Nature Park, Toril, Davao City.

Skycyce Adventure, Eden Nature Park, Toril, Davao City. 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/05/14/skycycling-101-davao-city-ph/

Mukha syang puzzled at parang napapailing sa narinig nya mula sa akin. Naisip nya siguro na ang weird ko naman. Iyon kasi yung mababasa mo sa noo nya. Kaya ayun, ako naman ang nag-umpisang magkwento.

Isa ako sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa isa sa mga private academic institutions na lumalagare ng ikabubuhay 6 days in a week at sinuswelduhan ng sakto lamang para sa pansariling gastos. No car, no condo unit o apartment man lang. May mga savings din naman ako, but then, most of the time, napupunta ito sa one and only na bisyo ko – ang gumala o maglakbay sa mas magandang salita. Nakahiligan kong pumunta kung saan saan. Ibinahagi ko sa kanya ang pagbisita ko sa iba’t ibang lugar dito sa Pilipinas. Buong galak kong kinwento ang mga bundok na naakyat ko at yung mga di malilimutang moments sa mga lugar na ito. Dahil sa pambihirang talent ko sa paggagala, nararating ko ang mga nakakamanghang lugar na dati rati eh sa mga libro ko lang nakikita o kaya sa mga Travelogue magazines ko langnasisilayan.

Calaguas Island, Vinzons, Camarines Norte

Calaguas Island, Vinzons, Camarines Norte

Mas naging madaldal din ako sa pagkwento ko, naibahagi ko sa kanya kung paano ako nagumpisang mawili sa ganitong klaseng bisyo at kung ano iyong mga dahilan kung bakit ninanais kong pagkagastusan ang ganitong bagay. Sinabi ko sa kanya na masaya sa pakiramdam kung may bagong kakilala, o angmakakita ng magandang tanawin, ang malaman ang kultura ng iba at syempre pa – yung exhilarating feeling na hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari… Wika ko nga, travelling has been a great teacher… Andami kong natutunan sa paglalakbay ko… Para bang nagbabasa ka ng isang libro na punong puno ng kwento…

Maniwaya Island, Sta. Cruz, Marinduque

Maniwaya Island, Sta. Cruz, Marinduque 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/04/22/marinduque-the-heart-of-the-philippines/

At times, napapansin ko na napapakagat na lang siya ng labi at napapakunot ng noo. Pakiwari ko nga O.A na ako sa paningin nya. I was not so certain if naintindihan ba nya o naabsorb pa ba nya mga sinasabi ko tungkol sa sarili ko; o baka napipilitan na lang siyang makinig para lang hindi ako mapahiya.

Paglaon, nabanggit din nya na gusto nya rin daw magtravel kung saan-saan. Gusto niya daw makita ang mga vinta ng Zamboanga o kaya eh makatungtung ng ruruk ng isang bundok gaya ng mga nakwento ko na sa kanya. Muli nyang ipinagmalaki na marami siyang pwedeng gastusin na pera pero dahil nga sa mataas nyang posisyon sa company kung saan sya nagtatrabaho, eh wala daw siyang oras para sa sarili nya at sa ganitong klaseng bisyo.

Racuh A Payaman, Mahatao, Batanes

Racuh A Payaman, Mahatao, Batanes 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/04/06/breathtaking-batanes-sabtang-island-philippines/

https://roamulofied.wordpress.com/2015/04/04/breathtaking-batanes-basco-philippines/

Biglang nawala lahat ng panliliit at pagkainggit na naramdaman ko. Naisip ko na lang sa sarili ko – marami nga siyang pera, hindi naman niya nakukuhang maenjoy yung sinasabi nyang desire to travel kung saan saan.

Sabi pa nya – noon daw, nung naguumpisa pa lang siyang magtrabaho, naisip na nyang maglakbay. Eh ang kaso, wala daw siyang pera. Pero ngayon namang marami na siyang pera, wala naman daw siyang oras.  Pagkarinig ko pa lang sa mga sinabi nya, sobrang nalungkot ako para sa kanya.

Mount Apo, Davao - North Cotabato Border

Mount Apo, Davao – North Cotabato Border 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/04/15/mount-apo-king-of-philippine-peaks/

Nagflashback tuloy sa utak ko yung nabasa kong article sa isang magazine about a man who have been dreaming to travel before he dies. Actually, nasa bucket list ng taong ito na makita ang pag-labas ng araw sa Mount Pulag at ang paglubog ng araw sa mala-paraisong dagat ng Palawan. This man was so pre-occupied with his work, and most of the time, ended up doing more work kaya hindi niya magawa-gawa yung matagal nya ng nais gawin – ang maglakbay. He would usually reason out that “money is more important than anything else”.  Hindi nya narealize na hindi sa lahat ng pagkakataon eh aayon sa kanya ang panahon. Kaya ayun, namatay siya na di man lang nakakamit yung matagal nya ng ninanais.

Ika nga ng isa sa mga nakasama ko sa climb — “I think if you love doing something, you’ll find the time and place for it…”

My 1st Mount Pulag climb, and the main reason why my wanderlust spirit was ignited.

My 1st Mount Pulag climb, and the main reason why my wanderlust spirit was ignited.

https://roamulofied.wordpress.com/2015/03/10/mount-pulag/

Most of the time, there are a lot of things that we like postponing because we don’t have much time for these things. And it is sad to note na madalas, itong mga bagay na lagi nating ipinagpapaliban ay iyong mga bagay na mahalaga sa atin. Things that we instantly trade for bigger opportunities that involves more money. Most of the time nga, pera ang nagiging basis natin to gauge success. More money, the more successful a person is.

But I beg to disagree… hindi kasi ganun ang pananaw ko sa buhay.  Hindi ako naniniwala na pera ang batayan ng tagumpay. If that’s the case, then, masaya sana lahat ng mga mayayamang tao dahil sila yung may maraming pera. Pero hindi eh. They may have all the riches in this world, but they don’t have the time to enjoy it –they don’t know how to enjoy their lives.

Batad Rice Terraces, Banaue, Ifugao

Batad Rice Terraces, Banaue, Ifugao 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/05/27/batad-rice-terraces/

Bago ko tapusin itong medyo napahabang blog na ito, bakit di nyo pagisipan tong mga iiwan kong tanong?

Bakit ka ba nag-iipon ng pera? Para saan ba ang mga iniipon mong pera sa bangko?

Well I am not saying that saving our money is bad. Pero para saan ba at nag-iipon tayo? Future. Oo naman. Para sa future. Pero sana, wag din nating kalimutan yung present – yung mga gusto mong gawin ngayon na tingin mo eh makakapagpasaya sayo. Baka naman, uugod-ugod ka na eh yung pangarap mong magbunjee jumping eh nabaon na sa limot dahil nga hindi mo na kaya kahit na marami ka pang pera…

With friends at Salagdoong Beach, Maria, Siquijor

With friends at Salagdoong Beach, Maria, Siquijor 

https://roamulofied.wordpress.com/2015/03/20/salagdoong-beach-siquijor-philippines/

Sa mahigit 2 oras na nakaupo ako sa bangkang patungong Banana Island, napagtanto ko na every person isn’t given the chance to do the things I am capable of doing. So, kung may pwede kang gawin na sa tingin mo eh makakapagpasaya sayo, aba! Don’t wait too long.. Do what makes you happy. Travel. Explore the World. Tandaan – Lahat ng tao, gustong maging masaya, eh ano pa ba ang silbi ng buhay kung hindi mo rin lang ito ma-achieve.

Lester out —

February 11, 2009 (22:35)

7 thoughts on “May Bisyo Ako: Isang Pag-Amin

Leave a comment