I Love You, Goodbye

“Before I let you go I want to say…” –

“Hoy Lester!!! Lumabas ka nga jan sa kwarto mo! Nagkukulong ka na naman. May naghahanap sayo!” – iyan ang mga katagang nagmumula sa landlady ko na siya namang pumutol sa aking pag-e-emo habang nakikinig ng radio isang araw.

Mag-pipitong taon na sana kami sa darating na linggo. Ito na sana ang pinakamatagal naming pagsasama…

Kung tatanungin niyo ako kung ano ang pakiramdam – “Masakit”. Siyempre masakit. Masakit lalo na kung alam mong marami na kayong pinagsamahan.

tumblr_lk73zmx9hm1qhrhpd

Masakit isipin na sa haba ng panahon na magkasama kayo, sa ganito lang mauuwi ang lahat. Masakit isipin na dahil lang sa isang iglap mawawala na ang lahat… Ang sakit sakit.

Ngunit ayun nga, sa huli ay nagkahiwalay din kami. Naglaho na siyang parang bula. At simula noon, parang lagi nang may kulang sa bawat araw-araw na ako ay gumigising.

Naalala ko pa noong una kaming magkita – “parang love at first sight”. Sabi ko pa nga noon, sigurado ako, compatible kami nito. Meron pa nga one time, naglalakad kami sa Session Road, ng may nakaapak sa kanya. Galit na galit ako. Ako nga ingat na ingat sa kanya tapos ganun na lang ang gawin sa kanya. Gusto ko sanang habulin at murahin yung may gawa nun sa kanya, mabuti na lang at pinigilan ako ng mga kasamahan namin.

Sana nga maka-move on na ako. Pero mukhang matatagalan pa bago mangyari iyon. Hinahanap-hanap ko kasi siya. Nahihirapan ako. Ako pa man din iyong tipong mahirap mag-let go. Iniisip ko na lang, okay naman siguro siya sa piling ng iba. Siguro, mabait naman ang bagong nagmamamay-ari sa kanya. Hindi naman siguro siya pababayaan nito. At sana, mapantayan niya ang pinakita kong pagmamahal dito.

Sa paglipas ng mga araw, sinusubukan kong tumingin ng iba, pero tila wala akong makita. Sabi nga ng isa kong kaibigan – “wag ko daw hanapin, dahil kusa kodaw itong makikita”. Weh! Kalokohan!Bahala na, siguro nga, kailangan ko ng ibaling sa ibang bagay ang pagkamiss ko sa kanya. Ngayon ko nga naiisip na talaga namang napakatigas pala ng ulo ko. Ako mismo natitigasan na eh. Ayaw patinag. O siguro talagang ganun lang ako magpahalaga sa mgabagay na minamahal ko ng totoo.

Haaaaaaaaaaaay!. Iba talaga ang naging epekto niya sa akin. Sana… Sana pala…

Sana pala, hindi ko na lang siya pinamigay pa…

Sana hindi ko na lang idinonate pa ang luma kong sapatos.

sneakers-crop

WAHAHAHAHA! Atsara! Ang corny ko!!!!

Advertisements

2 thoughts on “I Love You, Goodbye

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s